Wednesday, June 28, 2006

 

Small dreams

Two months ago, I was one of those who already know what to do in their life. Well, I had my SMART thing going on my mind. I know what I want and how I can "probably" manage to get it. And now, I'm running in cycles that I'm losing all that confidence and enthusiasm I had two months ago. I am nothing but a bum who is currently suffering from insomnia, checks emails everyday, blogs almost everyday, wakes up at 2 in the afternoon and texts almost every hour...

Wish ko lang...matapos na ang anxiety ko...

Sunday, June 25, 2006

 

Last chorus

Hmmm...ilang taon din ang nakaraan. Ewan ko ba. Basta ang alam ko nung una kong nakita yung taong yun, nailang ako. As in. Naalala ko pa, he was at his best. Hunk ang dating nya nun...He was wearing this black polo, taz basta ewan ko ba. Taz he was the quiet type na mukhang interesting. Sumabay siya sa akin pauwi. To my surprise yung tambayan nya pala malapit lang sa dorm ko. Sobrang daldal nya sa jeep pauwi.As in kwento to the max. La lang. He walked me home kaso I have to call my mom. He accompanied me pa rin with matching dala ng bag ko... Gentleman. Sa loob-loob ko lang...nahanap ko na yata. Sa totoo lang, pag-uwi ko ng dorm, may kilig factor eh. KAso it faded soon kasi I was in love with someone else...

Taz yun. Di ko alam may spark rin pala sa kanya. Paramdam siya konte, deadma naman sa akin (kasi eengot-engot ako..hehehe..inosente epek...pero madalas clueless ako lagi). He was trying harder to be noticed...deadma. Until one night, na-corner ako...secret na lang yung details..hehehe...

Nung una, ayoko sa kanya...kasi I felt na di dapat. Di maganda pag alamo na, taz magkasama kayo sa "trabaho". But he was persistent. Itinataboy ko pa nga palagi kahit kami na. In denial pa rin ako. Never thought na yung mga trip kong guy nung haiskul (badboy image pero mabait) nahanap ko na. Siguro halo-halo na. Yung takot na maloko ako (may babaero repu kasi) saka masaktan ule. Ayoko raw pero sumusugod ako sa laban. Lumalaban ako sa sarili kong multo. Sabi ko, may mali. So I broke up with him for the first time. I was so paranoid and afraid to trust him...akala ko nga titigilan na nya ako. "Di man lang ako hinabol," sabi ko sa sarili ko. Akala ko talaga, wala...Nagulat na lang ako nung araw ding yun, pinuntahan nya ako sa dorm. Asking for compromises...in denial pa rin ako. Shet! eto na yata talaga...may white rose pa at dialogue to the max...is this it? tanong ko pa rin..."siguro nga,"sagot ng puso ko... Ayun. I gave it a chance. KAso inexperience ako sa laban na to eh.Di ko yata na-handle nang mabuti...after two weeks, siya naman ang bumigay. Akala ko di rin maaayos, naayos pa rin naman. TAz On and Off...andameng nangyari, may third party and all pero after some months kami uli. On and off. ganun lagi... Until dumating sa point na we really hated each other, cursed each other. Akala ko end of heartache na. Tapos na. Friends na lang...But after 8 months...he asked if we could give it another try... um-oo ako. feeling ko kasi it was may turn to get even with someone, or pati sa kanya. Sabi ko di ako magseseryoso...I was just playing. Parang wala na lang. Kung ano man meron, keme lang. Walang emotion. hanggang sa na-realize ko, I was doing the wrong thing...dapat hindi ganun isa pa, di ako ganun talaga. Hindi ako marunong manloko ng iba...it turned out, hindi siya or iba ang niloloko ko...I was fooling myself. Mahal ko pala yung taong yun. I was in the middle of finding and knowing myself. The issues that are blur to me, about my self, my existence, questions that needed answers. Di ko pa nahahanap kung ano ba talaga ako. Di ko pa naiintindihan yung sarili ko. Naguguluhan na rin ako kung mahal ko ba siya talaga... Pero I was vocal. I'm in love. I even confided it to my half bro (the bravest thing I've done...bawal pa kasi talaga). Ayun. Sobrang gulung-gulo ako. Wala sa planong maiin-love ako and yet eto ako, naiin-love habang siya naman nababalewala nya na rin ako...

April 8, It's finally over. Tama na. COnfirmed naiin-love na ako sa kanya. Game over. Alam ko mas masasaktan ako. Maxado kasi akong advance mag-isip. MAxado akong tanga. Kung saan-saan pa ako tumitingin nasa akin na pala. Pero mas masakit pala. Nalaman mong mahal mo pala yung tao saka nya sinabing ayaw nya na. MAs masakit. Yun na siguro yung pinakamasakit. Tapos pag nagkikita kayo sinasabi mo sa ibang tao na, di na. Friends na lang talaga, kahit sa totoo lang sobrang gusto mo pang maulit at simulang muli. Tapos lahat ng kaibigan mo, ayaw na sa kanya dahil alam nilang nasaktan ka na rin nya. At siguro ganun din sa kanya. Mas mahirap nang lumaban. MArami nang involved. Nalalayuan na ako sa posibilidad. Alam ko, ginawa ko na to dati sa iba...pero ibang lebel to. Kasi ito handa akong tanggapin lahat. Sa kanya lang ako nadadapa ng paulit-ulit, pero kay...nadapa akong minsan di na ako umulit. Ito? ewan...tatangayin na lang siguro ng bites at pixel ang entry ko, pero di makakarating sa kanya. Nanakawin na lang siguro ng virus at kung anu-ano pang factor na maglalayo sa kanya. Wala. Olats. KAhit sumigaw ako dito o ilang post ang gawin ko, di nya malalaman. Takot naman akong sabihin ng personal o idaan sa sulat..baka ma-busted nanaman ako. Gustuhin ko man, pero gusto kong may matirang respeto siya sa akin para hindi masyadong masakit. Duwag nga ako. Sabi nila, antaas daw ng pride ko. MAxado raw akong kinakain ng prinisipyo ko... Pero gustuhin ko man itapon para sa kanya kung ano man ang meron ako...huli na. kahit konting pag-asa ata, wala na...hanggang iyak na lang ang kayang kung gawin. Hanggang sa maubos taz makalimutan ko na. Lagi nyang sinasabi, gawan ko raw siya ng kanta. Hanggang ngayon, wala siyang naririnig na ganun. Sa totoo lang, marami na akong nagawang kanta..di man para sa kanya, sa kanya naman ako humuhugot ng inspirasyon. Wala na nga siguro akong magagawa, mahirap ipilit pag wala na. Salamat na lang. Salamat.


This emo post is brought to you by Dear Kuya Cesar.

Saturday, June 24, 2006

 

banda banda banda

DSC02803 Teedzay (makina) Gboy and Terence (nakatalikod)Spoonbender

DSC02804 Sexyever and Apple

DSC02799 Spoonbender

DSC02797

DSC02794 Kabado si Bakla...nagtago sa dilim..heheheh

DSC02787

DSC02787
Jary, Apple, Sexyever, Gboy

DSC02787
Johnny and sexyever, Spoonbender sa 6UG





La lang...kakamiss mag-banda....

Friday, June 23, 2006

 

maple scar

It was one of her trying days.
He came like a handsome suitor,
waiting for a glance of her.
She was blind and hurt
but took every thing
one at a time.

He studied her like a puzzle
while she hid her self with rhymes and hymns
to cover her maple scar.
But there he went
like a robber at night.
It was a kiss.
It was just a kiss.

Wednesday, June 21, 2006

 

So there I was...

for the Nth time of the moment. I was counting the days I spent for someone on something that led to nothing. So what am I? A loser? Gimme a break!

I hate it when they remind me of exes. Honestly, they do no good to me. Those questions or reminders make me reminisce every single moment (yeah, call me hopeless or romantic or both). And I hate those reminiscing experiences, especially if the feeling is still there and just won't die. Then after awhile, I'll find myself crying unconciously or going back to where I began a couple of days or months ago. Sigh! The hardest part of it all...the letting go phase. The time when you finally realized everything you should've before you realized you already know it (makes sense?). I don't know. I mean we're civil and all. We exchange jokes or make fun of each other (without offense). I mean we're okay when we're together during those inevitable circumstances but when I am alone in my room, doing nothing but strumming on my guitar (which is by the way was his former possession) I'll find myself staring on an empty space and just looking back on who we were before everything else failed. And those times (the reminiscing part) makes me sick.

I always told myself (I even posted it for several times in my blog/s) not to talk about some "heart" topics and here I am trying to make something but ended up writing this post. Sigh! I just hoped she didn't tell me he texted her. Sad...



Current song: Two Trick Pony and Butterfly Carnival by Sandwhich
Current feeling: Alone
Current status: Single and not looking (read: traumatized)
Current hobby: running in the fields with mild anxiety
Current cravings: Cadbury's Time out
Current chenelyn: keme lang!

Tuesday, June 20, 2006

 

Nang mabugnot ako sa pagkakahiga sa Camarin...

Agit ako ngayon. Kahit nandito ako sa tahimik na lugar sa may norte at di makasama sa mga pagkakaisang naaaninag sa mga kalye, agit pa rin ako. Paano ba na ma'y bugnot na ako sa kakaintay ng resulta...Kung pinalad nga ba o hindi (pero nananalanging sana'y pinalad). Magkahalong kaba, takot, bugnot at di mataeng pakiramdam ang dinaranas ko sa bawat araw na magdadaan. At ngayon, agit ako. Masaklap pa nito baka ulitin dahil sa mga kalokohang di mawala-wala sa sistema sa bansa, "PANDURUGAS" umano. Leakage. Ayos lang naman kahit ulitin. Di ako natatakot...dahil matagal na akong takot.

NAhimasmasan ako nang kaunti. Ngunit agit pa rin ako. Marahil dahil sa isa akong bum, PAL at istambay sa halip na dapat ay napapakinabangan na ako ng bayan. At eto ako, di makasulong. Pansamantalang hanggang saltik at reklamo na lamang sa sarili ang ginagawa (madami na kasing nagrereklamo, di na nga naririnig wala pang ginagawa...)

Agit ako sa tuwing naiisip ko ang apat na taon ko sa kolehiyo...wala akong nagawa. Hindi ako nakatulong sa bayan. Di ko napahayag nang maayos ang mga sentimiyento ng mga pinaglilingkuran kong mag-aaral. Nilamon ako ng lablyp at problemang pampamilya. At ngayon ko lang aaminin, pride at hiya sa sarili ko ang isa sa mga dahilan kaya ako nag-resign. Alam kong talo na ako sa ipinaglalaban ko. Hindi rin naman ako maka-angkla, dahil pati sarili ko, kalaban ko na. Hindi na rin ako mabuting halimbawa sa mga batang kasama ko. Isa pa, korny man, nilaman ako ng pag-ibig..tsk...

Taz eto ako ngayon, inaasahan ng lahat na mangingibambayan sa lalong madaling panahon dahil sa...pera. Wala pa nga akong lisensya hinhintay na nila ang ambag ko. Pakiramdam ko tuloy isa akong superhero na walang karapatang magpahinga. Pakiramdam ko isang kapangyarihan ang matawag na RN. May kapangyarihan kang tumupad ng lahat ng pangarap ng ibang tao, dahil pag in-export ka na, dolyar ang kapalit. Nakakalungkot lang. Pakiramdam mo, wala kang karapatang mangarap para sa sarili mo at kailangan mong unahin ang pangarap ng iba...

Alam ko maganda ang implikasyon ng pag-alis ng mga NArs para sa pamilya nila. At masaya ako sa ganun. Ngunit sa kabilang banda ay ang implikasyon sa bansa. Sa kasalukuyan, marami ngang nagtatapos sa kursong Nursing, pero kakaunti pa rin ang mga naglilikod sa mga pampublikong ospital. totoo yung sinasabi nila 1:60 ang ratio ng nars sa mga ospital. Naranasan ko mismo nung na-ospital ako at kahit nung nag-duduty ako. Mas nakakalungkot. Kung mas mataas lang sana ang budget na ilalaan ng gobyerno para sa Health sector at kung hindi kukurakuin, napakalaki ng pag-asang ma-improve ang health system ng bansa. Gaganahan ang mga health care providers na maglingkod sa mga pasyente. Isa pa dito, madadagan ang puwersa para sa pagtaguyod ng kalusugan sa primary health o sa prevention and promotion ng kalusugan. Panaginip na lang siguro yun. Pero hindi pa rin mapipigilan talaga ang pag-alis ng mga Nars. Masyado nang marami sila para sa demand ng bansa pag nagkataon, bukod dun di maitatangging mabubuhay ang pamilya mo nang matiwasay kung sisibat ka ng bansa. Ang lungkot... kaya na-agit na naman ako.



And now for some unsolicited opinion...

Nagpalabas si Gng. Arroyo nang isang bilyong pisong budget sa militar upang sugpuin sa loob ng dalawang taon ang NPA. Ayos! Ayos sa ayos talaga ang mga panukala ng isang ekonimista! ISANG BILYONG PISONG BUDGET SA MILITAR PARA MASUGPO ANG MG NPA?!! *Clap**Clap* Para sa mga di umaayon sa mga panukala ng gobyerno maroon siyang budget? hmmm... eh paano naman kaya ang budget para sa edukasyon, kalusugan, agraria at ilan pang makatutulong sa pamumuhay ni Juan dela Cruz ng maayos? Kung di naman sana masamang magtanong... at hindi ako maaakusahang subersibo o kalaban ng gobyerno.

Minsan kaya sa pagtulog ng pangulo, napapaniginipan nya kaya ang mga pinoy na walang matulugan? Pag kumakain sila ng pamilya nya nang masasarap, naiisip nya kaya ang ilang milyong pinoy na walang makain? O pag nagbabasa siya ng mga libro, naiisip nya kaya kung ilang milyong kabataang pinoy ang hindi nakakapag-aral? o yung mga di marunong bumasa? Pag nagkakasakit siya at naiko-confine sa suite ng mamahaling ospital, naiisip nya kaya yung mga taong nagtitiis sa maiinit na silid, walang pambili ng gamot, isang bacteria na lang ay mamamatay na, walang pampa-opera, walang nars, walang doktor o yung mga namatay na lang dahil ni hindi madala sa ospital? Gusto kong isiping minsan ay naisip nya ang mga ito at kahit papaano ay sinubukan nyang may magawa, subalit di sapat. Gusto kong isiping may gagawin siya sa lalong madaling panahon tungkol sa mga problemang inagaw na kay Juan dela Cruz ang solusyon. Sana may gawin siya tungkol dito at hindi puro pang "MArtial LAw" na siya lamang at mga alipores nya ang makikinabang. Sana... sana talaga maiisip nyang kumilos ngayon.

Thursday, June 15, 2006

 

Kinakabahan akong baka walang maisagot, kaya naisip kong isipin ka na lang...

lumilipad ang utak ko...
at sa tuwing ganito
naiisip kita.
Marahil malayo ka na nga
at kailangan pang lumipad
ng isip ko para lang marating ka...
at sana nga sa paglipad ng isip ko,
matanaw ko ang langit mo
para makita ka man lang,
at mapanag ako na okey ka...

Malayo ka na nga...
Patawad di ko sinasadyang saktan ka.
Alam kong nagkamali ako.
Ngayon ko lang aaminin,
mahal na mahal kita
bukod pa sa inakala ko
akala ko iba, pero ikaw pala...

Lumilipad ang isip ko ngayon,
sandaling mawalay sa mundong puno ng pangarap
ikaw naman ang naiisip ko,
naaalala ko ang lahat ng panahong
nagkasama tayo
masasaya man o mapait
handa akong balikan...

Pero malayo ka na...
hanggang lipad-tanaw na lang ako,
isip ko lang ang kayang magpantasya sayo
dahil pagod nang gumapang ang puso ko
at kung paluhod man, di rin aabot
dahil malayo ka na...
Alam ko, mali ako.
Tama lang na ganito ako,
lumipad sa ulap ng kalungkutan
na nag-iisa...

Wag ka sanang magpaalam ng ganito,
Ayoko pang matapos ang unang pag-ibig
Ni ayoko ko pang lisanin ang kinatatayuan ko
Kahit abutin ako na hangin o bagyo
Kung lilipad man ako,
papunta pa rin sa yo...

*ito ang mga bagay na naiisip ko sa loob ng isang oras na break sa pagitan ng NP1 at NP2 noong June 11, 2006. Ni hindi ko rin magawang kumain dahil sa pinaghalong anxiety at pagkaaligaga sa susunod na exam, kaya minabuti kong kumuha ng inspirasyon sa koridor ng Aurora Elementary School.

Friday, June 09, 2006

 

Isang tulog na lang...

Isang tulog na lang, hahatulan na ako ng lifetime profession. Dalawang araw akong kukuha ng isang malawakang pagsusulit kung handa na nga ba akong maging isang RN. Sa kasalukuyang pagbalangkas, steady lang ako. Plastik kung sasabihin kong hindi ako kabado, pero kabado rin ako. Lalo na alam ko sa sarili ko na hindi ako naging mabuting estudyante kaya mahirap umasa sa mga sinasabi nilang stock knowlegde. Pero di ako nagsisisi sa mga nangyari, malamang sa malamang may dahilan kung bakit ako nandito. Yun nga lang di ko pa alam kung ano yun (o in denial lang ako).

Masuwerte raw ako kasi yung paaralan na pag-kukuhanan ko ng eksamin ay malapit lang sa amin. Pwede raw akong sumakay ng pedicab mula sa dorm namin. Baka mamayang hapon, puntahan ko...

Wala pa akong uniform. Lalabhan ko pa lang mamaya. Gusto ko kasi amoy downy...heheheheh

Wala pa rin akong pencil na number 2.

Wala pa rin akong ideya kung ano ang mangyayari matapos ang exam. Pero may plano na ako. Plan B to D.

Wala. wala lang.hehehehehe

Wednesday, June 07, 2006

 

three days to go.

Oo.Tama.Tatlong araw na lang at masusubukan na ang lakas ng loob ko.bakit kamo lakas ng loob? Eh pano ba naman, ang mahaderang inyong lingkod eh walang ginawa sa dorm kundi matulog. Basa, tulog.Tulog.tulog. pag naalalang magbasa, tulog ule. Ganun. As in. Ganun talaga. Kaya, ang lakas ng loob kong mag-take ng exam di ba? Sigh! Sana pumasa... ;) Btw, may i-share pala ako, in case lang na mangyari ingat na lang. Paano ba naman kasi kanina nagsimba ako sa Baclaran Church. Sumabay ako kay Mudra sa bus na biyaheng Fairview, bumaba ako sa Buendia para sumakay ng jeepney papuntang Taft nang habang naglalakad ako sa eh may lumapit na cutie sa akin. (Take Note: As in todo cute talaga ang guylaloo na ito.) Mukha naman siyang matino, disente saka malinis. Pramis. Taz sabi nya..."Miss, saan ba dito yung highway papuntang Ayala?" "Dito.May mga bud na dumadaan dito," Sagot ko.(maayos ah! At di suplada effect.) "Ah ok." sagot ng guy. Naglalakad na ako palayo kasi di ako pinapara ng mga jeep. "Miss, teka..."sabi ng guy.Medyo naiilang na ako sa kabado kasio di siya tumitingin habang nakikipag-usap. So parang, may kakaiba di ba? "Bakit?"maayos kong tanong. "Pwedeng makipagkilala?" tanong ng guy. Asus! Kinabahaan ako to death. Sabi ko na lang.."ay sorry, nagmamadali ako eh.." sabay karipas ng lakad papuntang LRT. Eh mag-10 na nun, so wala nang LRT..nagmamadali akong pumara ng jeep. Ay sobrang kaba ko. Kasi naman, di kasi usual na may ganung tao sa lugar na yun taz ganun. Natakot ako kasi mag-isa lang ako, pangalawa, gabi na taz bakit ganun yung banat nya taz di siya tuitingin? Saka marami kasing mga modus operandi na ganun eh. Nakakatakot lang. Ewan ko kung natakot kayo...hehehe..ako kasi, namutla eh.Ayun.

Speaking of Fears, andami kong kinatatakutan lately. Una na eh yung nalalapit kong pagsusulit. Kaka-pressure sobra. And to think wala akong review center. Pangalawa, boys. Opo. takot na talaga ako sa kanila lately. Kung dati, halos ka-body ko sila, ngayon...ewan ko ba. Natatakot na ako sa kanila. Sigh! epekto ba ito ng magkasunod na disatrous joas?heheheh... Saka napansin ko lang napaka-aloof ko sa mga tao lately. Parang hindi na ako as sociable as before. Dati naman, bigyan lang ako ng katabi may kausap na ako maghapon. Pero ngayon? Mad gudto kong magkulong sa dorm at matulog.O kaya i-meet yung mga dati ko na talagang kaibigan. Haay! Di ko rin to gusto pero ganito talaga ako ngayon. Nakakainis mang aminin. Ayan ha. Kaya sana di ako ma-misinterpret nung iba. Siguro di lang pa talaga ako over. Pero alam ko malapit na ako dun...hehehehe

Nga pala, may electric guitar na ako! yipeee! Ayun. Paparepaint ko na lang. Namimili pa ako ng kulay eh. Gusto ko kasi purple na may yellow, red, pink blue at black taz white..heheheh..ano daw? kulang na lang rainbow eh noh? basta, post ko dito after. Medyo mahal pa-repaint eh..ipon muna ako. Bukas ng gabi, tutugtog si SEXYEVER este Talabebi para sa TUGMA SA LAYA sa Bahandi Bar sa Nakpil Cor Agoncillo St., Malate, Manila. Around 8pm ata yung start. Ako lang tutugtog with tibong (ng Bender Production). Three songs lang yun. Naimbitahan lang ako ni Master Rustom ng Kilometer64. Isa pa matagal na rin akong di nakakasama sa mga poetry readings ng KM64 family ko. Di ko na nga kilala yung iba eh, sobrang inactive ko na.Yun. Sana makaya ko. Ngayon na lang uli ako tutugtog mag-isa eh. Mas maganda sana kung makapagbasa rin ako ng Tula para sa kanila...kaso di makagawa ang utak ko.Sigh! Pagbalik ko mula sa outer space, ako na uli si talabebi. ayun.


Currents? wala muna...wala akong maisip.heheheh...

Prex RN. Bagay kaya?



Thursday, June 01, 2006

 

Halo-halo

isang nakakapagod na araw ang tumambad sa akin ngayon. Night shift ako para matapos ang deliveries for UST kanina. At siyempre pa, ako na ang tumapos at ako rin ang deliver, straight.Walang tulog si Talabebi.usapan namin ng pinsan ko, 830am. Sabay mag-eenrol pa pala siya, suma tutal nagkita kami pasado alas dyes. Paksyet. tumambay ako sa Ministop. Naghahalong antok, gutom at anxiety ang dinaranas ko habang iniintay si Charmagne. Hay. Kumain na lang ako.Nung trip ko nang magbasa, sabay nakalagay sa table..."This is a convinience store and tables are for eating purposes only. This is not a study center,"..Oh come on! nakonsenxa si talabebi na magbukas ng mga kwaderno nya. Maya-maya pa, di ko na nakayanan, natulog ako.Buti na lang di ako sinita ng Crew. Taz nung nagising ako wala pa rin ang pinsan kong hitad...

Ok naman ang encounters ko sa kanila. Ako na ang nagsukat sa kanila. Haay. Kakatawa nga kasi nilambang ko lang yun. Ginaya ko lang kung paano nagsukat si Mudra sa unang batch, at sana maganda ang fit ng "first sukat" ko.

Pansin ko lang sa UST, ang laki ng impovements. Well, di naman ako dating estudyante dun, pero napasok ko na siya dati nung naglalakad ako ng application ko (na olats, dahil forfeited ang slot ko). Yung parking area nila, akala mo MAll. MAy parlor, fast food chains, cellular Network office at iba pa. Sabi nga ng pinsan ko, para na raw nga silang Mall..hehehhe..pero ayuz yun ah.

1300H. Umuwi ako ng dorm. Akala ko magpapahinga ako pero naalala ko nanaman, 10 days to go na lang. So nagpunta ako sa Bestfriend ko sa may malakanyang. At sa lahat ng makikita ko, si ***** pa. Di ko lang alam kung namukhaan nya ako (naka-disguise kasi ang lola nyo,hehehe). Taz naglakad ako ng walang humpay papunta sa sakayan sa EspaƱa.Pagdating ko sa Welcome Rotonda-Bagsak ako (READ: TULOG).

So ano pala ang naaral ko today? WALA!

Paguwi ko, nakita ko kaklase ko nung haiskul na si Daryl. Ang laki ng ah este ng inilaki nya..hehhehe...Pauwi na siya galing trabaho.taz umuwi na rin ako.hehehhe

Wander-wonder: Lalo tuloy akong kinabahan. Paano ba naman lahat sila ini-expect na makita yung pangalan ko two weeks after 10 days to go.

"Sus! DI mo na kailangan ng review center.ikaw pa?" SMS ng tropa nung 1st year College.
"Ah ok. kelan exam nyo? Naku, ikaw pa?" SMS ng Corps Commander nung haiskul.
"Si (FULL NAME ni Talabebi) pa?LA yun! kaya yan." Kantyaw ng tropa nung haiskul.

Pressure.Pressure.Pressure. Kahit anong pressure basta wag lang pressure ulcer.heheheh