Thursday, June 15, 2006

 

Kinakabahan akong baka walang maisagot, kaya naisip kong isipin ka na lang...

lumilipad ang utak ko...
at sa tuwing ganito
naiisip kita.
Marahil malayo ka na nga
at kailangan pang lumipad
ng isip ko para lang marating ka...
at sana nga sa paglipad ng isip ko,
matanaw ko ang langit mo
para makita ka man lang,
at mapanag ako na okey ka...

Malayo ka na nga...
Patawad di ko sinasadyang saktan ka.
Alam kong nagkamali ako.
Ngayon ko lang aaminin,
mahal na mahal kita
bukod pa sa inakala ko
akala ko iba, pero ikaw pala...

Lumilipad ang isip ko ngayon,
sandaling mawalay sa mundong puno ng pangarap
ikaw naman ang naiisip ko,
naaalala ko ang lahat ng panahong
nagkasama tayo
masasaya man o mapait
handa akong balikan...

Pero malayo ka na...
hanggang lipad-tanaw na lang ako,
isip ko lang ang kayang magpantasya sayo
dahil pagod nang gumapang ang puso ko
at kung paluhod man, di rin aabot
dahil malayo ka na...
Alam ko, mali ako.
Tama lang na ganito ako,
lumipad sa ulap ng kalungkutan
na nag-iisa...

Wag ka sanang magpaalam ng ganito,
Ayoko pang matapos ang unang pag-ibig
Ni ayoko ko pang lisanin ang kinatatayuan ko
Kahit abutin ako na hangin o bagyo
Kung lilipad man ako,
papunta pa rin sa yo...

*ito ang mga bagay na naiisip ko sa loob ng isang oras na break sa pagitan ng NP1 at NP2 noong June 11, 2006. Ni hindi ko rin magawang kumain dahil sa pinaghalong anxiety at pagkaaligaga sa susunod na exam, kaya minabuti kong kumuha ng inspirasyon sa koridor ng Aurora Elementary School.

say what? Post a Comment



<< Home