Tuesday, June 20, 2006

 

Nang mabugnot ako sa pagkakahiga sa Camarin...

Agit ako ngayon. Kahit nandito ako sa tahimik na lugar sa may norte at di makasama sa mga pagkakaisang naaaninag sa mga kalye, agit pa rin ako. Paano ba na ma'y bugnot na ako sa kakaintay ng resulta...Kung pinalad nga ba o hindi (pero nananalanging sana'y pinalad). Magkahalong kaba, takot, bugnot at di mataeng pakiramdam ang dinaranas ko sa bawat araw na magdadaan. At ngayon, agit ako. Masaklap pa nito baka ulitin dahil sa mga kalokohang di mawala-wala sa sistema sa bansa, "PANDURUGAS" umano. Leakage. Ayos lang naman kahit ulitin. Di ako natatakot...dahil matagal na akong takot.

NAhimasmasan ako nang kaunti. Ngunit agit pa rin ako. Marahil dahil sa isa akong bum, PAL at istambay sa halip na dapat ay napapakinabangan na ako ng bayan. At eto ako, di makasulong. Pansamantalang hanggang saltik at reklamo na lamang sa sarili ang ginagawa (madami na kasing nagrereklamo, di na nga naririnig wala pang ginagawa...)

Agit ako sa tuwing naiisip ko ang apat na taon ko sa kolehiyo...wala akong nagawa. Hindi ako nakatulong sa bayan. Di ko napahayag nang maayos ang mga sentimiyento ng mga pinaglilingkuran kong mag-aaral. Nilamon ako ng lablyp at problemang pampamilya. At ngayon ko lang aaminin, pride at hiya sa sarili ko ang isa sa mga dahilan kaya ako nag-resign. Alam kong talo na ako sa ipinaglalaban ko. Hindi rin naman ako maka-angkla, dahil pati sarili ko, kalaban ko na. Hindi na rin ako mabuting halimbawa sa mga batang kasama ko. Isa pa, korny man, nilaman ako ng pag-ibig..tsk...

Taz eto ako ngayon, inaasahan ng lahat na mangingibambayan sa lalong madaling panahon dahil sa...pera. Wala pa nga akong lisensya hinhintay na nila ang ambag ko. Pakiramdam ko tuloy isa akong superhero na walang karapatang magpahinga. Pakiramdam ko isang kapangyarihan ang matawag na RN. May kapangyarihan kang tumupad ng lahat ng pangarap ng ibang tao, dahil pag in-export ka na, dolyar ang kapalit. Nakakalungkot lang. Pakiramdam mo, wala kang karapatang mangarap para sa sarili mo at kailangan mong unahin ang pangarap ng iba...

Alam ko maganda ang implikasyon ng pag-alis ng mga NArs para sa pamilya nila. At masaya ako sa ganun. Ngunit sa kabilang banda ay ang implikasyon sa bansa. Sa kasalukuyan, marami ngang nagtatapos sa kursong Nursing, pero kakaunti pa rin ang mga naglilikod sa mga pampublikong ospital. totoo yung sinasabi nila 1:60 ang ratio ng nars sa mga ospital. Naranasan ko mismo nung na-ospital ako at kahit nung nag-duduty ako. Mas nakakalungkot. Kung mas mataas lang sana ang budget na ilalaan ng gobyerno para sa Health sector at kung hindi kukurakuin, napakalaki ng pag-asang ma-improve ang health system ng bansa. Gaganahan ang mga health care providers na maglingkod sa mga pasyente. Isa pa dito, madadagan ang puwersa para sa pagtaguyod ng kalusugan sa primary health o sa prevention and promotion ng kalusugan. Panaginip na lang siguro yun. Pero hindi pa rin mapipigilan talaga ang pag-alis ng mga Nars. Masyado nang marami sila para sa demand ng bansa pag nagkataon, bukod dun di maitatangging mabubuhay ang pamilya mo nang matiwasay kung sisibat ka ng bansa. Ang lungkot... kaya na-agit na naman ako.



And now for some unsolicited opinion...

Nagpalabas si Gng. Arroyo nang isang bilyong pisong budget sa militar upang sugpuin sa loob ng dalawang taon ang NPA. Ayos! Ayos sa ayos talaga ang mga panukala ng isang ekonimista! ISANG BILYONG PISONG BUDGET SA MILITAR PARA MASUGPO ANG MG NPA?!! *Clap**Clap* Para sa mga di umaayon sa mga panukala ng gobyerno maroon siyang budget? hmmm... eh paano naman kaya ang budget para sa edukasyon, kalusugan, agraria at ilan pang makatutulong sa pamumuhay ni Juan dela Cruz ng maayos? Kung di naman sana masamang magtanong... at hindi ako maaakusahang subersibo o kalaban ng gobyerno.

Minsan kaya sa pagtulog ng pangulo, napapaniginipan nya kaya ang mga pinoy na walang matulugan? Pag kumakain sila ng pamilya nya nang masasarap, naiisip nya kaya ang ilang milyong pinoy na walang makain? O pag nagbabasa siya ng mga libro, naiisip nya kaya kung ilang milyong kabataang pinoy ang hindi nakakapag-aral? o yung mga di marunong bumasa? Pag nagkakasakit siya at naiko-confine sa suite ng mamahaling ospital, naiisip nya kaya yung mga taong nagtitiis sa maiinit na silid, walang pambili ng gamot, isang bacteria na lang ay mamamatay na, walang pampa-opera, walang nars, walang doktor o yung mga namatay na lang dahil ni hindi madala sa ospital? Gusto kong isiping minsan ay naisip nya ang mga ito at kahit papaano ay sinubukan nyang may magawa, subalit di sapat. Gusto kong isiping may gagawin siya sa lalong madaling panahon tungkol sa mga problemang inagaw na kay Juan dela Cruz ang solusyon. Sana may gawin siya tungkol dito at hindi puro pang "MArtial LAw" na siya lamang at mga alipores nya ang makikinabang. Sana... sana talaga maiisip nyang kumilos ngayon.

say what? Post a Comment



<< Home