Wednesday, June 07, 2006

 

three days to go.

Oo.Tama.Tatlong araw na lang at masusubukan na ang lakas ng loob ko.bakit kamo lakas ng loob? Eh pano ba naman, ang mahaderang inyong lingkod eh walang ginawa sa dorm kundi matulog. Basa, tulog.Tulog.tulog. pag naalalang magbasa, tulog ule. Ganun. As in. Ganun talaga. Kaya, ang lakas ng loob kong mag-take ng exam di ba? Sigh! Sana pumasa... ;) Btw, may i-share pala ako, in case lang na mangyari ingat na lang. Paano ba naman kasi kanina nagsimba ako sa Baclaran Church. Sumabay ako kay Mudra sa bus na biyaheng Fairview, bumaba ako sa Buendia para sumakay ng jeepney papuntang Taft nang habang naglalakad ako sa eh may lumapit na cutie sa akin. (Take Note: As in todo cute talaga ang guylaloo na ito.) Mukha naman siyang matino, disente saka malinis. Pramis. Taz sabi nya..."Miss, saan ba dito yung highway papuntang Ayala?" "Dito.May mga bud na dumadaan dito," Sagot ko.(maayos ah! At di suplada effect.) "Ah ok." sagot ng guy. Naglalakad na ako palayo kasi di ako pinapara ng mga jeep. "Miss, teka..."sabi ng guy.Medyo naiilang na ako sa kabado kasio di siya tumitingin habang nakikipag-usap. So parang, may kakaiba di ba? "Bakit?"maayos kong tanong. "Pwedeng makipagkilala?" tanong ng guy. Asus! Kinabahaan ako to death. Sabi ko na lang.."ay sorry, nagmamadali ako eh.." sabay karipas ng lakad papuntang LRT. Eh mag-10 na nun, so wala nang LRT..nagmamadali akong pumara ng jeep. Ay sobrang kaba ko. Kasi naman, di kasi usual na may ganung tao sa lugar na yun taz ganun. Natakot ako kasi mag-isa lang ako, pangalawa, gabi na taz bakit ganun yung banat nya taz di siya tuitingin? Saka marami kasing mga modus operandi na ganun eh. Nakakatakot lang. Ewan ko kung natakot kayo...hehehe..ako kasi, namutla eh.Ayun.

Speaking of Fears, andami kong kinatatakutan lately. Una na eh yung nalalapit kong pagsusulit. Kaka-pressure sobra. And to think wala akong review center. Pangalawa, boys. Opo. takot na talaga ako sa kanila lately. Kung dati, halos ka-body ko sila, ngayon...ewan ko ba. Natatakot na ako sa kanila. Sigh! epekto ba ito ng magkasunod na disatrous joas?heheheh... Saka napansin ko lang napaka-aloof ko sa mga tao lately. Parang hindi na ako as sociable as before. Dati naman, bigyan lang ako ng katabi may kausap na ako maghapon. Pero ngayon? Mad gudto kong magkulong sa dorm at matulog.O kaya i-meet yung mga dati ko na talagang kaibigan. Haay! Di ko rin to gusto pero ganito talaga ako ngayon. Nakakainis mang aminin. Ayan ha. Kaya sana di ako ma-misinterpret nung iba. Siguro di lang pa talaga ako over. Pero alam ko malapit na ako dun...hehehehe

Nga pala, may electric guitar na ako! yipeee! Ayun. Paparepaint ko na lang. Namimili pa ako ng kulay eh. Gusto ko kasi purple na may yellow, red, pink blue at black taz white..heheheh..ano daw? kulang na lang rainbow eh noh? basta, post ko dito after. Medyo mahal pa-repaint eh..ipon muna ako. Bukas ng gabi, tutugtog si SEXYEVER este Talabebi para sa TUGMA SA LAYA sa Bahandi Bar sa Nakpil Cor Agoncillo St., Malate, Manila. Around 8pm ata yung start. Ako lang tutugtog with tibong (ng Bender Production). Three songs lang yun. Naimbitahan lang ako ni Master Rustom ng Kilometer64. Isa pa matagal na rin akong di nakakasama sa mga poetry readings ng KM64 family ko. Di ko na nga kilala yung iba eh, sobrang inactive ko na.Yun. Sana makaya ko. Ngayon na lang uli ako tutugtog mag-isa eh. Mas maganda sana kung makapagbasa rin ako ng Tula para sa kanila...kaso di makagawa ang utak ko.Sigh! Pagbalik ko mula sa outer space, ako na uli si talabebi. ayun.


Currents? wala muna...wala akong maisip.heheheh...

Prex RN. Bagay kaya?



say what? Post a Comment



<< Home