Tuesday, August 01, 2006
torn between two chorva
I took the courage to take my chorva aside to take advantage of a better paying job in the business capital of the country. Yep. I am now one of those graveyard people. I only had two days of the training program and yet I am liking this one more than what I have studied for four years. I mean, this job is close to what really interests me since I was in high school. Compensation and benefits are okay so far. The people are nice and has same interests as mine. They say I am lucky to have a job in a short period while most of my batchmates wait for the result and their license to be released and jobless as of the moment.
On the other hand, I envy my friends who are really determined to practice the degree as soon as possible. They can't wait to set their feet on magnet hospitals, clinics and, if financial resources permit, NCLEX. Why can't I be like them? I mean, why do I still have hesitations of doing those stuffs for real? I know, I've been a bad student. I habitually absent if not excuse myself from duty hours and even lectures! If there's a chance for me to get out of the classroom, I always seize that opportunity. I rarely read books, though I have them on my shelf. I rarely listen to class discussions because I wll always find a way to take the corner seat and sleep. Amidst all, I passed anyway. And I know I can do it right when I am there. But... the drive is not enough.
I don't want that four-year education go to waste however I don't have the drive to practice it. Sigh.

Thursday, July 20, 2006
Te Deum
Dear BF,
Wala akong masabi sayo kung hindi, Thank you. ISa kang paraluman.
Nagagalak,
Talabebi
Dear Talabebi,
Walang anuman. Humanda ka, malapit nang dumating ang pinakahihintay mong sandali. Pero medyo pahihirapan kita, ok lang?
Nagtatanong,
BF
Dear BF,
Haay. Alam kong maganda ang dahilan, sige. Pero wag masyado kasi baka di ko kayanin. Pwedeng mag-request? After 3 months na lang yun?
Nagrerequest,
Talabebi
Dear Talabebi,
Sige. Masyado ka nga palang emo. Ok na tayo dyan. Deal?
Nakikipag-deal,
BF
Dear BF,
Mwaahugz!
Ayos,

Tuesday, July 18, 2006
Naniniwala ka ba sa milagro?
Kung hindi...PWES! MANIWALA KA NA. Ako na ang nagsasabi sa'yo...si talabebi, ang sexyever, ang prinsesa ng ka-emo-han (malapit na akong ma-dethrone..heheheh, wait and see)..
July 19, 2006, 3:00 Am, sa dorm ng pagud na pagod ngunit di makatulog na si Talabebi.
Ring! Ring! Ring!
Talabebi: *yawn*Hello?
Hanna: Prex!RN ka na!
Talabebi: *feeling tulog pa*Ano? Sino ka? Nananaginip ba ako?
Hanna: *excited ang boses at parang di rin makapaniwala* Hindi! Totoo to! Si hanna to! RN na TAYO!!!!
Talabebi: Weh? Di nga? Pano mo nalaman?
Hanna: Lumbas na result. Prex, Rn na tayo *may halong kilig at lubos na kasayahan ang boses*
Nagpatuloy-ang pag-uusap nila habang sumsakay lang si Prex sa kausap nya. Binuksan ang ilaw at naglakad-lakad. Pagka-baba ng fone, binati ang sarili, tinwagan ang mudrang naka-kwarlaloo nya last week at sinabi ang balita. Nanginginig pa rin siya. Di mapakali. Tumawag uli sa tumawag sa kanya.
Talabebi: Hello! HAnna? tinwagan mo ba talaga ako?
Hanna: Oo, prex! RN na tayo!
Talabebi: Nananaginip ba ako?
Hanna: Hindi. Totoo to.
Talabebi: Ah ok. Sige wala na akong load.
Nagpunta ako hinanap ang site... Worng spelling ang Apelyido ko sa PRC, patay!
P.S.
Alaga sa dasal. wala talaga akong ideya kung paano, walang bago o kakaibang estratehiya, walang leakage, wala istorbo. MAy sinakripisyo man akong maraming bagay na ikina-emo ko, everything has been paid. Mas madaling mag-move on kung nakikita mong masaya ang mudra at Papa mo na RN na ang anak nila. Shet! isang hakbang para sa World PEace ang pangyayaring ito. MILAGRO LANG TALAGA.

Sunday, July 16, 2006
Wazz up talabebi?
"Muzta?" Ilang ganitong salita na ang natatanggap ko mula sa mga taong bihira kong makita (Kung matatandaan, si talabebi ay isang bum at gumugugol ng 14 na oras para matulog, 2 oras para maligo at ang ilan ay sa pagkain, pagbibihisa at pagbabasa...pagsusulat et al). Malimit na sagot ko, Ok lang.
talabebi: weh?Talaga?
Ewan na. Ang alam ko lang, marami nang nagbago sa akin simula nang pumasok ang ikatlong buwan ng pormal na pagsali ko sa Samahan ng mga Single (sing-gol). Marami akong natutunan sa mga pilosopiya ng pinakakumplikadong paksa sa sangkatauhan-Ang pag-ibig. Masasabi ko ring nasa ibang stage of grieving na ako. Wala na ako sa denial, acceptance at bargaining. Nalagpasan ko na yun, sigurado ako. Pero kung tatanungin ako kung handa na ba ako sa susunod na pagsubok...ewan.
Minsan nitong nakaraang linggo, kinati ang mga paa kong mag-ikot sa Malate. Naalala ko pa nun, 2 years nang nakakaraan nang una akong tumapak sa una kong dormitoryo. Pakiramdam ko, malaya na ako. Malaya na akong kontrolin ang buhay ko na walang nagbabantay. Sarap ng feeling. Alam ko pwede na akong magbanda, gumimik at kung anu-ano pa. Mas masarap tuklasin ang mga bagay-bagay ngayon dahil may kalayaan. At ngayon, pag binabalikan ko ang mga nangyari;alam ko kahit di naging maganda ang mga desisyon ko sa pagsubok ng mga bagay-bagay, masaya ako. Natuto ako (ang pinaka-importanteng parte). At lalaban uli ako. Magiging matapang muli na tutuklasin ang marami pang bagay na nakaabang sa akin.
Sa pag-ikot ko sa aking munting playground, napansin ko, narito pala nga halos lahat ng mga major subjects na dapat kong aralin, mga pagsusulit na dapat kong ipasa at biglaang recitations na kailangan kong sagutin. Magkahalong sakit at saya pagbinabalikan yung mga lugar kung saan naging bahagi nang pagkatuto mo: yung tipong lugar na nadurog ang puso mo, nagising kang naiwan ng mga kainuman dahil nasaraduhan ka ng dorm at may bakas pa ng aspalto ang t-shirt mo dahil una kang nahiga sa kalsada bago sa kama mo, lugar kung saan ka pinupuntahan ng kras mo, saan ka hinahatid at sinusundo ng joa mo, saan kayo naghihiwalay, saan mo siya nmadalas nahuhuling nambababae, saan kayo nagkakaayos, saan ka inaayo ng bestfriend mo, saan kayo kunakain ng tropa mo, kung saan ka nila hahanapin pag di ka nanaman pumasok sa klase nyo, saan kayo tatambay pag walang prof, saan kayo naglalakad tuwing gabi pauwi galing band rehearsals, saan ka humagulgol ng iyak, saan kayo muntik mahuli habang kinakalatari si MAry Jane, saan ka nakatagpo ng bagong mga kaibigan at kaaway, saan ka nadapa at saan mo pinulot uli ang sarili mo at naging matapang.
Matagal na dapat akong umalis dito. Sa dami ng memories na gusto mong kalimutan parang halos ayaw mo nang umuwi, pero mas gusto kong maging malakas kung saan ako humina. Sabi ko hindi pa pwede. Pero ngayon, handa na ako. Mami-miss ko ang lugar na to. Lahat ng mga mabuti at masama. Life must go on for me. Kasabay ng pag-alis ay ang pagbitiw ko sa mga bagay na binabalikan ko dito. Paalam, Malate. Hanggang sa muli...
*Baka sa August may bago na akong uuwian. Pero sana sa lalong madaling panahon.

Wednesday, July 12, 2006
Mga ilang bagay tungkol sa kurso ng bayan...
Di kaila sa marami na ang pinaka-IN at usong kurso ngayon sa kolehiyo ay ang ________ (hulaan mo.hehehehe.). Kung Nursing ang sinabi mo, may tama ka! Kung hindi naman, try again. Balik ka sa umpisa.heheheheh...
Talabebi: Anong kukunin mong course? Fourth year ka na pala.
Pinsan ni talabebi: Nursing!
Talabebi: Bakit nursing?
Pinsan ni Talabebi:Gusto kong pumuntang ibang bansa eh. Ang laki ng sweldo sobra! Saka si ate chuva yun din ang kinukuha. Sina Kuya Junjun at Ate bettymae din. Yung Anak ng naglalako ng isda sa palengke, bunso ni aling iska, ni bebang, ni kukurukuko at pati yung anak ng bagong sepulturero.
Talabebi: huh? Nanganak na ba yung anak nun?
Pinsan ni talabebi: Hindi pa. Pero sabi nung asawa eh yun din daw yung ipapakuha na course pag lumaki na.heheheh
Kitams? Pero di naman nakakapagtaka eh. Bukod sa malaki ang bayad sa ibang bansa, maganda rin ang mga benepisyo nito sa pamilya. Isa pa, maganda at malawak ang sakop ng propesyong ito na nagmula pa noong nagkaroon ng sibilisasyon ang mga unang tao sa mundo.
Sa Pilipinas, may sarili tayong bersyon ng kasaysayan ng nursing. (siyemperds, kaya nga mag nursing tayo eh, engotz). Alam nyo ba na ang unang nursing school na may lalaki ay ang UST? Taz unang may university/college chorva ay UP? Ilan sa mga pioneer na nursing school sa bansa ay Chinese General Hospital, San Juan de Dios Hospital, Iloilo Mission Hospital at Mary Johnston Hospital. Isa mga Filipino Nursing theorist ay si Dr. Maglaya, awtor ng isang hard-to-find at must-have na Community Nursing book.
Pakialamerong katabi sa dyip: Miss, narsing ka rin?
Talabebi: Oo. Ikaw rin ba?
Pakialamerong katabi sa dyip: Ah talaga? hehehe. Hindi eh. Ate ko kasi Nursing rin ang kinukuha. Eh di ba alalay lang yun ng doktor?hahahaha
Talabebi: Hahahaha! GAnun ba? eh Anong kors mo?
Pakialamerong katabi sa dyip: Traffic MAnagement.
Talabebi: Ah ok. MMDA.
Isa ka ba sa kanila? NAku! MAling-mali. Hindi katulong sa in alalay ng doktor ang mga Nars. Excuse me. MAy lisenshang nakasugal ang mga nars kaya hindi pwedeng basta um-oo nalang sila sa lahat ng sinsabi ng mga doktor. KAya nga raw dati eh hinhingian pa ng upper 40% certificate of graduating class sa secondary ang mga applicants ng Nursing, eh dahil hindi basta-basta ang kursong ito. KAilangan ay may critical-thinking ang mga nars. Tinitinganang mabuti ang mga order ng doktor kung may discrepancy, kung tama ang mga nirereseta, tama ang patak ng IV sa bawat oras, aalagaan ang mga pasyente with TLC. Kaya hindi lang basta katulong as in alalay ng doktor ang mga nars kundi katulong bilang kasama.
Mambabasa: Ah ok. GAnun pala yun. GAleng.hehehe. Kumusta result ng exam? lumabas na ba?
Talabebi: Inaantok na ata ako. *yawn*

Ayon sa mga aklat na pang-Nursing, na nabasa ko nung nag-aaral pa ako, masusuyod mula sa panahon na nagsimulang mag-domestika ang mga tao. KAhit nung panahon ng giyera at nagsimula nang magpatayo ang mga simbahan ng mga unang ospital, may nursing na. Karamihan sa mga unang nurse ay mga lalaki. At dahil nga umaasa lamang sa donasyon ang mga nasabing ospital, purong kawang-gawa lamang o boluntaryo ang trabahong ito. Naging masama pa nga ang reputasyon ng mga nars noon dahil sa mga karakter na nars na naisulat sailang mga nobela (nakalimutan ko yung writer, pero si charles dickens ata isa dun), kung saan nilalarawan sila bilang mga mang-oomit. Panahon ni Florence Nightingale nang magkaroon ng pag-aaral sa propesyong ito. Ipinatayo niya ang St. Thomas school of Nursing matapos ang Crimean war. Malaking impact ang pagkakaroon ng paaralan para sa mga nag-nanais maging NArs.
NAging daan din ito para magkaroon ng mga pamanatayan ukol sa pag-aalaga ng pasyente, pag-develop ng mga teorya, simula ng mga pagsasaliksik at nung huli ay batas at autonomy; mga sangkap para tuluyang matawag itong isang propesyon.
Sa Pilipinas, may sarili tayong bersyon ng kasaysayan ng nursing. (siyemperds, kaya nga mag nursing tayo eh, engotz). Alam nyo ba na ang unang nursing school na may lalaki ay ang UST? Taz unang may university/college chorva ay UP? Ilan sa mga pioneer na nursing school sa bansa ay Chinese General Hospital, San Juan de Dios Hospital, Iloilo Mission Hospital at Mary Johnston Hospital. Isa mga Filipino Nursing theorist ay si Dr. Maglaya, awtor ng isang hard-to-find at must-have na Community Nursing book.
May Masters din po ang Nursing.
May Nursing Law of 2002 o ang RA 9173 na naglalahad ng mga panuntunan tungkol sa kurso, limitasyon at sakop ng pagpa-praktis ng propesyon. Maraming sakop ang nursing. Kung isa kang graduate at lisenshado, maaari kang magtrabaho sa mga kumpanya, paaralan, konstraksyon, pabrika o yung tinatawag na occupation health nurse. Sa ospital naman eh maraming pwedeng station na ma-assign: Ward (o yung mga tumitingin sa mga naka-confine), OR nurse (sa mga operasyon), Hemodialysis, Cardio, ER (o dun sa ma OPD rin). Pwede ka rin surbeyor, o kaya ay mag-mistulang PRO o kaya writer, graphic artist kapag isa kang Community health Nurse o yung mga nasa health center.
Pakialamerong katabi sa dyip: Miss, narsing ka rin?
Talabebi: Oo. Ikaw rin ba?
Pakialamerong katabi sa dyip: Ah talaga? hehehe. Hindi eh. Ate ko kasi Nursing rin ang kinukuha. Eh di ba alalay lang yun ng doktor?hahahaha
Talabebi: Hahahaha! GAnun ba? eh Anong kors mo?
Pakialamerong katabi sa dyip: Traffic MAnagement.
Talabebi: Ah ok. MMDA.
Isa ka ba sa kanila? NAku! MAling-mali. Hindi katulong sa in alalay ng doktor ang mga Nars. Excuse me. MAy lisenshang nakasugal ang mga nars kaya hindi pwedeng basta um-oo nalang sila sa lahat ng sinsabi ng mga doktor. KAya nga raw dati eh hinhingian pa ng upper 40% certificate of graduating class sa secondary ang mga applicants ng Nursing, eh dahil hindi basta-basta ang kursong ito. KAilangan ay may critical-thinking ang mga nars. Tinitinganang mabuti ang mga order ng doktor kung may discrepancy, kung tama ang mga nirereseta, tama ang patak ng IV sa bawat oras, aalagaan ang mga pasyente with TLC. Kaya hindi lang basta katulong as in alalay ng doktor ang mga nars kundi katulong bilang kasama.
Mambabasa: Ah ok. GAnun pala yun. GAleng.hehehe. Kumusta result ng exam? lumabas na ba?
Talabebi: Inaantok na ata ako. *yawn*
Monday, July 10, 2006
Nang mag-usap ang alak-alakan at siko
Isang araw, habang may komosyon sa dulo ng sapang bambang ay nagkausap sina alak-alakan at siko.
Alak-alakan: kumusta siko? Buti naman at nakita kita ng malapitan.
Siko: Haay! Eto, nangingitim pa rin dahil sa kakatuon. Ang masaklap nyan eh baka matatagalan mo na talaga ako makita ng malapitan.
Alak-alakan: Kung sa paitiman, lamang ka dyan! Pang apat lang naman ako sa inyo nina tuhod at singit eh. Hmmm..alam kong saglit lang tayo maging ganito ka-close pero yung matatagalan? bakit?
Siko: Baka kasi makulong muna ako sa Cast pag nadala na ito sa POC. Eh siyempre, matatakpan ako. Mainam na rin siguro yun, baka sakaling pumuti..heheheh...
Alak-alakan: hehehe! Akala ko naman gusto mo nang maging Apro habang buhay. hehehe. MAy ambition ka rin palang pumiti. Bakit ka pala makukulong sa Cast? ANong nangyari?
Siko: Sus! Eto naman. Di mo ba nakita? Nahampas yung braso nang matigas na bagay nung nagkaroon ng violenteng dispersal. Kung alam mo lang, basang-basa kami sa water cannon. Akala ko nga eh sisipunin ako. Naalala ko wala pala akong ilong.wahahahah!
Alak-alakan: Adik to oh! Nakukuha mo pang tumawa, eh di ba masakit yun? Saka isa pa, tumatakbo kami nila paa tapos natatakpan pa ako ng kupas na maong. Si Tuhod siguro nakita niya kasi may butas sa harap yung maong eh. Lamo na jeproks si boss.
Siko: Sanayan lang yan noh! Isa pa, inaaliw ko lang ang sarili ko. Siyempre, ganun na nga ang nangyayari taz malulungkot pa ako. MAlay mo, blessing ito? di ba?
Alak-alakan: kung sabagay, kung titingnan mo nga naman ang positibong magagawa sayo ng Cast-PUPUTI KA!heheheh! Ayos ka rin eh noh?
Siko: hehehe! O di ba? Eh ikaw? di ba lagi kang nasa likod ni tuhod? Tingin ka nga nang tingin sa akin pag naglalakad to. Siguro type mo ako noh?
Alak-alakan: Mukha mo, maitim! Type ka dyan! Eh natural makikita kita, medyo patingala ako lagi. Ikaw nga ang panay ang pa-cute dyan eh. MAy pa-sway-sway ka pang nalalaman. Akala mo kung sinong maputi!wahahahaha!
Buong araw nagasaran sina siko at alak-alakan hanggang sa madala sa pinaka-malapit na ospital ang kawawang raliyista. Ang di alam ng dalawa, di na talaga sila magkikita o puputi dahil malamang di na umabot ang katawan nila.

Sunday, July 09, 2006
Nang magtatakbo ng hubad ang kukute ni talabebi
*Ang post na ito ay naglalaman ng mga pa-hapyaw na samu't saring bagay na tumatakbo sa aking utak mga isang oras na ang nakalipas matapos akong dumighay*
PUTA NG SINING
Aaminin ko, isa akong puta ng sining. Walang lubusang alam sa napakalawak na korpus nito, sa halip, tig-kakaunti lamang ang aking nararating. Walang ganap na nirvana dahil walang rin akong ganap na alam o masasabi kong master ko. Wala. Pahapyaw lang ng kung anu-ano nila ang alam ko. walang katiyakan kung sasagad at aabot sa isang oragsmic phase. Di ko rin masisisi kung bakit ganito...alam ko, masyado akong makati para magpalipat-lipat ng pamamaraan ng ekspresyon ko sa sarili ko. Kati nga talaga siguro ito dahil walang satisfaction. Di pa ako palagay na mas naiitindihan ako. Pero kung ako ang pamimiliin? GUSTO KO SILANG LAHAT.
PARALISADO
Ngunit hindi sa pagkakataong ito. Patawad po, pero naniniwala akong uubra ang plano ko. Bukod sa ito ang gamay kong daan, ito rin ang makapagpapanatag sa himaymay ng pagkatao kong di mapalagay kung patuloy n'yo akong pipiliting gawin ang mga bagay na sa tingin n'yo ay tama at mainam.
Muli, patawad. Batid kong di mabuti ang gumamit nang mas mataas na tono pag kausap ang taong naglabas sayo sa komplikadong mundong ito. Alam ko, di tama ang higher Do tuwing mag-uusap tayo sa mga plano ko sa buhay ko. KO. Tama, buhay KO. At hindi nang kung sino. Paglipas nang panahon, ako at ako lang ang magdadalo nito. Hindi kayo, hindi ikaw, hindi sila at hindi kung sino...kung hindi AKO. Pero hindi ibig sabihin ay wala ka nang karapatang silipin ang buhay ko. Hindi ibig sabihin, mawawala na ako. Hindi ibig sabihin na HINDI ka na mahalaga sa buhay ko. Isa ka sa mga dahilan nito. Ngunit paumanhin, hindi ikaw ang gagawa ng disenyo kung paano ako mabubuhay sa buhay na ito. Maaari kang magmungkahi, pero hindi ibig sabihin na pag hindi ko tinanggap ang mga suhestyong ito ay wala na itong kweta. Marahil hindi lang ito ang pinaniniwalaan ko sa ngayon. Marahil may naisip akong mas magandang paraan ( Nga pala, naniniwala akong relatibo ang pagiging maganda ng isang bagay...maaaring iba ang palagay ko sa plagay mo).
Ano? Patawad. Ngunit hindi ko maaaring sabihin ang mga plano ko sa ngayon. Hindi ko maaaring gawin nang sabay ang pagkukwento ng mga pangarap ko habang ginagawa ito. Tulad ng aso, di nya kayang tumahol habang mangangagat ng estranghero. Pasensya na ngunit ililihim ko muna ang mga plano ko. Natatakot akong masyado kang umasa at pag nagkagayon di malabong mabigo kita. Hindi pwedeng mangyari yun. Sabi mo ako na ang huli mong alas, di ba?
Patawad, ngunit hindi ko na hahayaang maparalisa sa ilalim ng mga planong di ko feel. Pinagbigyan ko na kayo. Apat na taon din yun. Pinilit kong lumugar sa gusto n'yo para sa akin, pero tinatawag ako ng kung ano man para sa ano pa man. Sa totoo lang, ikinimpromiso ko ang pagkatao ko, ang pagiging ako. Sana lang hayaan nyo muna akong dumiskarte sa paraang gusto ko, sa paraang alam ko at sa paraang masaya ako. Hinihiling ko lang sa inyo ay ang tiwala at suporta n'yo. Nagiging mabigat ang paghamon kung sasamahan nyo pa ng guilt.
Sana hayaan mo muna akong igalaw ang mga kalamnan ko, mahirapan sa una, pangalawa at ilang pagkakataon hanggang sa maisip ko na tama kayo. Hayaan mo muna akong matutunan ang mga bagay na dapat kong malaman. Hayaan mo muna akong sinopin ang mga regalong tinanggap ko sa Maykapal. Sana... mas maging malawak ang pag-iisip mo ngayon. Tayo na lang dalawa laban sa mundo kaya magtiwala ka...please?
NO VACANCY
Walang lugar para sa'yo dito. Di naman ako naghahanap eh...sa ngayon, wala munang Hiring. Okey na ako pero naisip kong tama na muna ang halos isa't kalahating taon ng pakikibaka kay Eros. Isa pa, bata pa naman ako para sa mga usaping ganyan. May mga bagay na higit na nangangailangan ng pansin.
Oo. tinago ko ang resume mo at ang impressiong nakuha ko mula sa una nating pagkikita. Lahat ng mga sinabi mo-bola man o mga pasikat pati ang mga galaw at ekspresyon ng iyong mga mata. Natitago ko sila sa aking data base. Kung sakaling tatanggapan na uli, mapag-aaralan na nang mabuti ang mga desisyong gagawin. Mas okey yun di ba?
Huh? Paano ko malalaman kung hiring na? Wag kang mag-alala, babalik ang EROS AGENCY para tulungan ako sa mga bagay na iyan. Wag mo munang problemahin yan. Masyado kang advance eh. Bakit? Naiinip ka na ba? Pwes, di ito ang trabaho para sa iyo. Marami pang iba dyan, di hamak na mas maganda ang offer. Ayos lang kung maisipan mong i-try ang iba. Yun nga lang, wag ka na ring mag-aplay ko nag-withdraw ka na ng application. Di na maganda ang impression sa'yo. Kaya mas mabuti, wag ka munang mag-apply. No vacancy eh.
Wala sa Ayos
Malaki na ang ipinagbago ng mundo simula nang una itong nag-exist. Kung tutuusin, napaka-payak lang ng lugar na ito. Simple pero maganda. Sa paglipas ng panahon, nagkaroon ng maraming pagbabago, ebolusyon, imbensyon at kung anu-ano pa. May mga pagbabagong nakabuti at nakasama.
Kung tutusin, simple lang talaga dapat ang buhay ng isang tao sa mundo. Kaya nga lang sa pagbabagong naganap, naging komplikado na ang mundo para sa isang simpleng pamumuhay. Tuloy nakikita na rin natin ang buhay bilang komplikado. Bakit kamo naging komplikado? Dahil sa pagbabago, nawawala na ang mga bagay sa dapat nitong kalagyan. MAy mga bagay na di dapat nasa lupa ay nasa lupa; di dapat na sa hangin, nasa hangin at di dapat nasa tubig, nasa tubig. Bukod pa dito, nagiging patuloy ang pagbabago. Walang katapusan. Tuluy-tuloy. At kung kailan hihinto? di natin alam.
Gayun pa man, nakaka-agpang tayo sa mga pagbabagong ito sa pamamagitan ng pag sabay sa agos nito. Adaption. Kung ito ang hinhiling ng pagkakataon, magiging ganito tayo. Kung normal ang kapaligiran, magiging ordinaryong tao tayo. Ngunit kung may pagbabago o di tamang nagaganap, maaari tayong magng bayani o isang superhero.
Bakit ko nasabi? Wala lang. Gusto ko lang bigyang katwirang ako ay isa sa mga bagay nasa lugar na di dapat nitong kalagyan. Gusto ko lang palubagin ang kukote ko, bigyan ng lakas ang katawan kong nasa lupa. Isang uod at magsikap maging paru-paro para makalipad sa hangin. O kaya naman ay isang patak ng tubig sa may lamesa, makikipagniig sa init ng araw upang mapasama sa hangin at maging vapor. Pagkatapos ay magiging isa sa mga patak ng ulan. Matutuyo. Depende kung saan ako matuyo. Kung sa papel at napahalo ako sa naghahalong pink at itim na kulay, marahil maalala ako ng mga mahilig sa pink at itim.