Sunday, July 16, 2006
Wazz up talabebi?
"Muzta?" Ilang ganitong salita na ang natatanggap ko mula sa mga taong bihira kong makita (Kung matatandaan, si talabebi ay isang bum at gumugugol ng 14 na oras para matulog, 2 oras para maligo at ang ilan ay sa pagkain, pagbibihisa at pagbabasa...pagsusulat et al). Malimit na sagot ko, Ok lang.
talabebi: weh?Talaga?
Ewan na. Ang alam ko lang, marami nang nagbago sa akin simula nang pumasok ang ikatlong buwan ng pormal na pagsali ko sa Samahan ng mga Single (sing-gol). Marami akong natutunan sa mga pilosopiya ng pinakakumplikadong paksa sa sangkatauhan-Ang pag-ibig. Masasabi ko ring nasa ibang stage of grieving na ako. Wala na ako sa denial, acceptance at bargaining. Nalagpasan ko na yun, sigurado ako. Pero kung tatanungin ako kung handa na ba ako sa susunod na pagsubok...ewan.
Minsan nitong nakaraang linggo, kinati ang mga paa kong mag-ikot sa Malate. Naalala ko pa nun, 2 years nang nakakaraan nang una akong tumapak sa una kong dormitoryo. Pakiramdam ko, malaya na ako. Malaya na akong kontrolin ang buhay ko na walang nagbabantay. Sarap ng feeling. Alam ko pwede na akong magbanda, gumimik at kung anu-ano pa. Mas masarap tuklasin ang mga bagay-bagay ngayon dahil may kalayaan. At ngayon, pag binabalikan ko ang mga nangyari;alam ko kahit di naging maganda ang mga desisyon ko sa pagsubok ng mga bagay-bagay, masaya ako. Natuto ako (ang pinaka-importanteng parte). At lalaban uli ako. Magiging matapang muli na tutuklasin ang marami pang bagay na nakaabang sa akin.
Sa pag-ikot ko sa aking munting playground, napansin ko, narito pala nga halos lahat ng mga major subjects na dapat kong aralin, mga pagsusulit na dapat kong ipasa at biglaang recitations na kailangan kong sagutin. Magkahalong sakit at saya pagbinabalikan yung mga lugar kung saan naging bahagi nang pagkatuto mo: yung tipong lugar na nadurog ang puso mo, nagising kang naiwan ng mga kainuman dahil nasaraduhan ka ng dorm at may bakas pa ng aspalto ang t-shirt mo dahil una kang nahiga sa kalsada bago sa kama mo, lugar kung saan ka pinupuntahan ng kras mo, saan ka hinahatid at sinusundo ng joa mo, saan kayo naghihiwalay, saan mo siya nmadalas nahuhuling nambababae, saan kayo nagkakaayos, saan ka inaayo ng bestfriend mo, saan kayo kunakain ng tropa mo, kung saan ka nila hahanapin pag di ka nanaman pumasok sa klase nyo, saan kayo tatambay pag walang prof, saan kayo naglalakad tuwing gabi pauwi galing band rehearsals, saan ka humagulgol ng iyak, saan kayo muntik mahuli habang kinakalatari si MAry Jane, saan ka nakatagpo ng bagong mga kaibigan at kaaway, saan ka nadapa at saan mo pinulot uli ang sarili mo at naging matapang.
Matagal na dapat akong umalis dito. Sa dami ng memories na gusto mong kalimutan parang halos ayaw mo nang umuwi, pero mas gusto kong maging malakas kung saan ako humina. Sabi ko hindi pa pwede. Pero ngayon, handa na ako. Mami-miss ko ang lugar na to. Lahat ng mga mabuti at masama. Life must go on for me. Kasabay ng pag-alis ay ang pagbitiw ko sa mga bagay na binabalikan ko dito. Paalam, Malate. Hanggang sa muli...
*Baka sa August may bago na akong uuwian. Pero sana sa lalong madaling panahon.