Sunday, July 09, 2006
Nang magtatakbo ng hubad ang kukute ni talabebi
*Ang post na ito ay naglalaman ng mga pa-hapyaw na samu't saring bagay na tumatakbo sa aking utak mga isang oras na ang nakalipas matapos akong dumighay*
PUTA NG SINING
Aaminin ko, isa akong puta ng sining. Walang lubusang alam sa napakalawak na korpus nito, sa halip, tig-kakaunti lamang ang aking nararating. Walang ganap na nirvana dahil walang rin akong ganap na alam o masasabi kong master ko. Wala. Pahapyaw lang ng kung anu-ano nila ang alam ko. walang katiyakan kung sasagad at aabot sa isang oragsmic phase. Di ko rin masisisi kung bakit ganito...alam ko, masyado akong makati para magpalipat-lipat ng pamamaraan ng ekspresyon ko sa sarili ko. Kati nga talaga siguro ito dahil walang satisfaction. Di pa ako palagay na mas naiitindihan ako. Pero kung ako ang pamimiliin? GUSTO KO SILANG LAHAT.
PARALISADO
Ngunit hindi sa pagkakataong ito. Patawad po, pero naniniwala akong uubra ang plano ko. Bukod sa ito ang gamay kong daan, ito rin ang makapagpapanatag sa himaymay ng pagkatao kong di mapalagay kung patuloy n'yo akong pipiliting gawin ang mga bagay na sa tingin n'yo ay tama at mainam.
Muli, patawad. Batid kong di mabuti ang gumamit nang mas mataas na tono pag kausap ang taong naglabas sayo sa komplikadong mundong ito. Alam ko, di tama ang higher Do tuwing mag-uusap tayo sa mga plano ko sa buhay ko. KO. Tama, buhay KO. At hindi nang kung sino. Paglipas nang panahon, ako at ako lang ang magdadalo nito. Hindi kayo, hindi ikaw, hindi sila at hindi kung sino...kung hindi AKO. Pero hindi ibig sabihin ay wala ka nang karapatang silipin ang buhay ko. Hindi ibig sabihin, mawawala na ako. Hindi ibig sabihin na HINDI ka na mahalaga sa buhay ko. Isa ka sa mga dahilan nito. Ngunit paumanhin, hindi ikaw ang gagawa ng disenyo kung paano ako mabubuhay sa buhay na ito. Maaari kang magmungkahi, pero hindi ibig sabihin na pag hindi ko tinanggap ang mga suhestyong ito ay wala na itong kweta. Marahil hindi lang ito ang pinaniniwalaan ko sa ngayon. Marahil may naisip akong mas magandang paraan ( Nga pala, naniniwala akong relatibo ang pagiging maganda ng isang bagay...maaaring iba ang palagay ko sa plagay mo).
Ano? Patawad. Ngunit hindi ko maaaring sabihin ang mga plano ko sa ngayon. Hindi ko maaaring gawin nang sabay ang pagkukwento ng mga pangarap ko habang ginagawa ito. Tulad ng aso, di nya kayang tumahol habang mangangagat ng estranghero. Pasensya na ngunit ililihim ko muna ang mga plano ko. Natatakot akong masyado kang umasa at pag nagkagayon di malabong mabigo kita. Hindi pwedeng mangyari yun. Sabi mo ako na ang huli mong alas, di ba?
Patawad, ngunit hindi ko na hahayaang maparalisa sa ilalim ng mga planong di ko feel. Pinagbigyan ko na kayo. Apat na taon din yun. Pinilit kong lumugar sa gusto n'yo para sa akin, pero tinatawag ako ng kung ano man para sa ano pa man. Sa totoo lang, ikinimpromiso ko ang pagkatao ko, ang pagiging ako. Sana lang hayaan nyo muna akong dumiskarte sa paraang gusto ko, sa paraang alam ko at sa paraang masaya ako. Hinihiling ko lang sa inyo ay ang tiwala at suporta n'yo. Nagiging mabigat ang paghamon kung sasamahan nyo pa ng guilt.
Sana hayaan mo muna akong igalaw ang mga kalamnan ko, mahirapan sa una, pangalawa at ilang pagkakataon hanggang sa maisip ko na tama kayo. Hayaan mo muna akong matutunan ang mga bagay na dapat kong malaman. Hayaan mo muna akong sinopin ang mga regalong tinanggap ko sa Maykapal. Sana... mas maging malawak ang pag-iisip mo ngayon. Tayo na lang dalawa laban sa mundo kaya magtiwala ka...please?
NO VACANCY
Walang lugar para sa'yo dito. Di naman ako naghahanap eh...sa ngayon, wala munang Hiring. Okey na ako pero naisip kong tama na muna ang halos isa't kalahating taon ng pakikibaka kay Eros. Isa pa, bata pa naman ako para sa mga usaping ganyan. May mga bagay na higit na nangangailangan ng pansin.
Oo. tinago ko ang resume mo at ang impressiong nakuha ko mula sa una nating pagkikita. Lahat ng mga sinabi mo-bola man o mga pasikat pati ang mga galaw at ekspresyon ng iyong mga mata. Natitago ko sila sa aking data base. Kung sakaling tatanggapan na uli, mapag-aaralan na nang mabuti ang mga desisyong gagawin. Mas okey yun di ba?
Huh? Paano ko malalaman kung hiring na? Wag kang mag-alala, babalik ang EROS AGENCY para tulungan ako sa mga bagay na iyan. Wag mo munang problemahin yan. Masyado kang advance eh. Bakit? Naiinip ka na ba? Pwes, di ito ang trabaho para sa iyo. Marami pang iba dyan, di hamak na mas maganda ang offer. Ayos lang kung maisipan mong i-try ang iba. Yun nga lang, wag ka na ring mag-aplay ko nag-withdraw ka na ng application. Di na maganda ang impression sa'yo. Kaya mas mabuti, wag ka munang mag-apply. No vacancy eh.
Wala sa Ayos
Malaki na ang ipinagbago ng mundo simula nang una itong nag-exist. Kung tutuusin, napaka-payak lang ng lugar na ito. Simple pero maganda. Sa paglipas ng panahon, nagkaroon ng maraming pagbabago, ebolusyon, imbensyon at kung anu-ano pa. May mga pagbabagong nakabuti at nakasama.
Kung tutusin, simple lang talaga dapat ang buhay ng isang tao sa mundo. Kaya nga lang sa pagbabagong naganap, naging komplikado na ang mundo para sa isang simpleng pamumuhay. Tuloy nakikita na rin natin ang buhay bilang komplikado. Bakit kamo naging komplikado? Dahil sa pagbabago, nawawala na ang mga bagay sa dapat nitong kalagyan. MAy mga bagay na di dapat nasa lupa ay nasa lupa; di dapat na sa hangin, nasa hangin at di dapat nasa tubig, nasa tubig. Bukod pa dito, nagiging patuloy ang pagbabago. Walang katapusan. Tuluy-tuloy. At kung kailan hihinto? di natin alam.
Gayun pa man, nakaka-agpang tayo sa mga pagbabagong ito sa pamamagitan ng pag sabay sa agos nito. Adaption. Kung ito ang hinhiling ng pagkakataon, magiging ganito tayo. Kung normal ang kapaligiran, magiging ordinaryong tao tayo. Ngunit kung may pagbabago o di tamang nagaganap, maaari tayong magng bayani o isang superhero.
Bakit ko nasabi? Wala lang. Gusto ko lang bigyang katwirang ako ay isa sa mga bagay nasa lugar na di dapat nitong kalagyan. Gusto ko lang palubagin ang kukote ko, bigyan ng lakas ang katawan kong nasa lupa. Isang uod at magsikap maging paru-paro para makalipad sa hangin. O kaya naman ay isang patak ng tubig sa may lamesa, makikipagniig sa init ng araw upang mapasama sa hangin at maging vapor. Pagkatapos ay magiging isa sa mga patak ng ulan. Matutuyo. Depende kung saan ako matuyo. Kung sa papel at napahalo ako sa naghahalong pink at itim na kulay, marahil maalala ako ng mga mahilig sa pink at itim.