Friday, July 07, 2006

 

Pag na-urat ka sa buhay, gumamit ka ng...

Magic potion number *toot*! Mabisa at maaasahan sa oras ng kauratan. Ni hindi mo mamamalayan tanggal ang ka-inipan at kaasaran mo sa buhay-loo.

Direksyon ng pag gamit:
Simple lang ang paggamit ng Magic Potion number *toot*, ihalo ang isang baling kutsara ng MPN *toot* sa isang basong tubig. Haluin hanggang sa matunaw ang kumukutitap na butil sa tubig. Intayin hanggang magkulay - pink ang tubig at lumabas ang mga katagang, I love NY!
Pag nagkagayun, tuluyang ibuhos ang kalahati nito sa unan mo. Tama! sa unan ito ilalagay. Intaying sipsipin ng unan ang inilagay mong solusyon. Matulog gamit ang unan na ito.

Para sa mas mabisang resulta:
Matulog ng higit kumulang sa labing-apat na oras (Siguraduhing tuluy-tuloy ang tulog.). At pag-gising mo, taran! wala kang na-solve na problema. Wala ka pa ring trabaho. Wala ka pa ring joa. Wala ka ring pera. At wala kang nagawa sa buhay mo na ikaka-unlad mo...Pero di ka naman na-Urat, Nabuwisit, nainis, nabad trip sa: ibang taong minura ka sa text, sa mga nag-cancel ng miting nyo na pinaghandaan mo ng husto, sa nangungulit sa'yo, sa mga nagtatanong kung pumasa ka na sa board exam, sa mga taong tinatanong kung kelan ka pupuntang states at sa ________ (try mong mag-add ng personal mong kinauuratan, para mas masaya).


Na-convince ba kitang gumamit ng MAGIC POTION NUMBER *toot*? Kung hindi, salamat naman. Mabuti't mas may alam kang solusyon sa ka-uratang ito bukod sa pagtulog nang walang humpay. Naisip ko rin yun.hehehe...

say what?
wahehehe ang kulet ng MPN *toot* ^_^

uy ang galing ng blog mo, pano nalaman na si Tami ako? hehe
 
hehhehe..lakwatsera kasi ako..ayun.nalaman ko..hehehhe..kampay!
 
Post a Comment



<< Home