Wednesday, July 12, 2006

 

Mga ilang bagay tungkol sa kurso ng bayan...

Di kaila sa marami na ang pinaka-IN at usong kurso ngayon sa kolehiyo ay ang ________ (hulaan mo.hehehehe.). Kung Nursing ang sinabi mo, may tama ka! Kung hindi naman, try again. Balik ka sa umpisa.heheheheh...





Talabebi: Anong kukunin mong course? Fourth year ka na pala.

Pinsan ni talabebi: Nursing!

Talabebi: Bakit nursing?

Pinsan ni Talabebi:Gusto kong pumuntang ibang bansa eh. Ang laki ng sweldo sobra! Saka si ate chuva yun din ang kinukuha. Sina Kuya Junjun at Ate bettymae din. Yung Anak ng naglalako ng isda sa palengke, bunso ni aling iska, ni bebang, ni kukurukuko at pati yung anak ng bagong sepulturero.

Talabebi: huh? Nanganak na ba yung anak nun?

Pinsan ni talabebi: Hindi pa. Pero sabi nung asawa eh yun din daw yung ipapakuha na course pag lumaki na.heheheh






Kitams? Pero di naman nakakapagtaka eh. Bukod sa malaki ang bayad sa ibang bansa, maganda rin ang mga benepisyo nito sa pamilya. Isa pa, maganda at malawak ang sakop ng propesyong ito na nagmula pa noong nagkaroon ng sibilisasyon ang mga unang tao sa mundo.
Ayon sa mga aklat na pang-Nursing, na nabasa ko nung nag-aaral pa ako, masusuyod mula sa panahon na nagsimulang mag-domestika ang mga tao. KAhit nung panahon ng giyera at nagsimula nang magpatayo ang mga simbahan ng mga unang ospital, may nursing na. Karamihan sa mga unang nurse ay mga lalaki. At dahil nga umaasa lamang sa donasyon ang mga nasabing ospital, purong kawang-gawa lamang o boluntaryo ang trabahong ito. Naging masama pa nga ang reputasyon ng mga nars noon dahil sa mga karakter na nars na naisulat sailang mga nobela (nakalimutan ko yung writer, pero si charles dickens ata isa dun), kung saan nilalarawan sila bilang mga mang-oomit. Panahon ni Florence Nightingale nang magkaroon ng pag-aaral sa propesyong ito. Ipinatayo niya ang St. Thomas school of Nursing matapos ang Crimean war. Malaking impact ang pagkakaroon ng paaralan para sa mga nag-nanais maging NArs.
NAging daan din ito para magkaroon ng mga pamanatayan ukol sa pag-aalaga ng pasyente, pag-develop ng mga teorya, simula ng mga pagsasaliksik at nung huli ay batas at autonomy; mga sangkap para tuluyang matawag itong isang propesyon.

Sa Pilipinas, may sarili tayong bersyon ng kasaysayan ng nursing. (siyemperds, kaya nga mag nursing tayo eh, engotz). Alam nyo ba na ang unang nursing school na may lalaki ay ang UST? Taz unang may university/college chorva ay UP? Ilan sa mga pioneer na nursing school sa bansa ay Chinese General Hospital, San Juan de Dios Hospital, Iloilo Mission Hospital at Mary Johnston Hospital. Isa mga Filipino Nursing theorist ay si Dr. Maglaya, awtor ng isang hard-to-find at must-have na Community Nursing book.
May Masters din po ang Nursing.
May Nursing Law of 2002 o ang RA 9173 na naglalahad ng mga panuntunan tungkol sa kurso, limitasyon at sakop ng pagpa-praktis ng propesyon. Maraming sakop ang nursing. Kung isa kang graduate at lisenshado, maaari kang magtrabaho sa mga kumpanya, paaralan, konstraksyon, pabrika o yung tinatawag na occupation health nurse. Sa ospital naman eh maraming pwedeng station na ma-assign: Ward (o yung mga tumitingin sa mga naka-confine), OR nurse (sa mga operasyon), Hemodialysis, Cardio, ER (o dun sa ma OPD rin). Pwede ka rin surbeyor, o kaya ay mag-mistulang PRO o kaya writer, graphic artist kapag isa kang Community health Nurse o yung mga nasa health center.

Pakialamerong katabi sa dyip: Miss, narsing ka rin?

Talabebi: Oo. Ikaw rin ba?

Pakialamerong katabi sa dyip: Ah talaga? hehehe. Hindi eh. Ate ko kasi Nursing rin ang kinukuha. Eh di ba alalay lang yun ng doktor?hahahaha

Talabebi: Hahahaha! GAnun ba? eh Anong kors mo?

Pakialamerong katabi sa dyip: Traffic MAnagement.

Talabebi: Ah ok. MMDA.

Isa ka ba sa kanila? NAku! MAling-mali. Hindi katulong sa in alalay ng doktor ang mga Nars. Excuse me. MAy lisenshang nakasugal ang mga nars kaya hindi pwedeng basta um-oo nalang sila sa lahat ng sinsabi ng mga doktor. KAya nga raw dati eh hinhingian pa ng upper 40% certificate of graduating class sa secondary ang mga applicants ng Nursing, eh dahil hindi basta-basta ang kursong ito. KAilangan ay may critical-thinking ang mga nars. Tinitinganang mabuti ang mga order ng doktor kung may discrepancy, kung tama ang mga nirereseta, tama ang patak ng IV sa bawat oras, aalagaan ang mga pasyente with TLC. Kaya hindi lang basta katulong as in alalay ng doktor ang mga nars kundi katulong bilang kasama.

Mambabasa: Ah ok. GAnun pala yun. GAleng.hehehe. Kumusta result ng exam? lumabas na ba?

Talabebi: Inaantok na ata ako. *yawn*

say what?
korek
 
Post a Comment



<< Home