Sunday, May 28, 2006

 

The rakstah training


Ayan. May ideya na ang madla kung ano na ang nangyari sa mahaba kong buhok. Ayun, naka-pucca look with my favorite earings.

Isa lamang ito sa mga ka-chenelyn-an ko kagabi matapos ang isang tugtugan sa may bandang kabite. Ayun. Sa kabila ng kapagudan sa biyahe at kaantukan, nakuha ko pang ngumawa. Mga trenta minutos yata kaming nagbiyahe papunta dun taz nakatayo pa kami sa bus. Pagdating dun, past seven na. Gutom na si sexyever. PEro dahil mas napagod ako, di ako makakain. Isa pa darating ang tropa con textmate ko na 2 years ago ko huling nakita, kaya di rin ako makatira ng libre ni Jon na BBQ.

Nang dumating si Gov, ang hinihintay ko, saka lang ako nakakain... Naglakad pa kami papuntang North upang tikman ang napapabalitang masarap na Tapsi. Mga 5 mins din ang lakad. At sa Hidden Tapsilugan (pangalan ng kainan), nagkalaman din ang aking stomach at nun lang nagsimulang maglabasan ang kemikal-pantunaw ko. At siyempre pa ang malinis at may tubig na kasilyas. Amen.

Pangalawang banda na ang tumutugtog nang nakabalik kami ni Gov sa bar. At tinamaan ng magaling gumana ang sympathetic NErvous system ko. Pakiramdam ko pwede na akong mag-explode sa Toot..hehehhe... KAya nung turn na namin, di ako makalikot sa entablado. Sabay naalala ko 15 days to go na lang before that big day. Habang ang mga kaklase ko ay nahihimbing na o di kaya'y naglalamay ng mga reviewers, nasa tugtugan naman ako.


Nga pala, kasama namin ang Orgasm Addicts.


Lesson for the day: feel the music. Never be sorry for what you are on stage.

Current song: Moden de by Sugarhiccup
Current mood: missing someone
Current lover: Wala. Ayan ha, wala. As in.
Current reading: reviewers
Currently: residing at your side
Current crush: Bahista ng Spoonbender (Aw!)


say what? Post a Comment



<< Home