Friday, May 19, 2006

 

Pagbabagong buhay part 1

Sa wakas! nakatungtong na ako sa porgatoryo. dito sinusuri ang lahat ng mga nangangahas magkaroon ng titulong R.N. sa dulo ng kanilang mga pangalan. At siyempre pa, kasama ang inyong lingkod.

Ang haba-haba ng pila. Parang porgatoryo talaga. Pano ko nasabi? Dahil kung ano ang dinaranas mo sa loob habang nakapila ay bunga ng iyong ginawa bago ka pumasok sa PoRgatoryo.

1. Kung inihanda mo na gabi pa lang ang mga dadalhin mo, di ka magagastusan ng dagdag na bayad. ISa pa, di ka na maghahanap ng magnonotorayo at papotokapihan.

2. Kung alam mo kung saan mo gustong pumunta, di ka na aanga-anga.

3. Kung nagdala ka ng payong, pamaypay at malamig na tubig, di ka maiinitan at mauuhaw.

4. At marami pa.. (maaari mong dagdagan kung naranasan mo na)


Sa kasalukuyan, nakapagbayad pa lamang ako ng mga kaukualang bayad. Subalit dahil may ka-lechehan ang mahal kong Alma mater, di pa kami sigurado kung malilitis sa Hunyo.

Kung ako lang ang masusunod, sa Disyembre na lang ako kukuha ng pagsusulit.


At dahil patok ang mga kaututan kong Currents, narito muli sila....

current mood: exhausted
current song: ang bomba ni angie
current money: mababa na sa limang daang sentimo
current look: short-hair na may head band

say what? Post a Comment



<< Home